top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Wa' paki sa 11,000 na mawawalan ng trabaho sa pagsasara ng Dos… Sen. Bato, umaming biased kay P-

Vinia Vivar
Feb 19, 2020
3 min read

Maraming netizens ang nagagalit ngayon kay Sen. Ronald “Bato” de­la Rosa dahil sa mga naging pa­hayag niya recently tungkol sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Sa report na lumabas sa Philippine Daily Inquirer na isinulat ni Maila Ager, na may accompanying video pa sa online site, sinabi ng senador na ang dapat i-prioritize ay ang buong bansa kaysa sa 11,000 employees ng ABS-CBN kung sakaling ma­patunayan na totoo ang mga alegasyon sa network.

“What’s 11,000 compared to the whole Filipino nation na matagal nang sinaman­talahan (read: pinagsamantalahan) ng isang kumpanya kung talagang ma-prove ‘yan sa hearing na pinagsamantalahan ang samba­yanang Pilipino. What’s 11,000 compared to the whole Filipino nation?” pahayag ng senador.

As we all know, nakatakdang mag-expire ang franchise ng ABS-CBN on March 30, 2020.

Natanong si Sen. Bato kung boboto ba siya sa renewal of franchise kung saka­ling umakyat ito sa Senate.

“Depende, pag-uusapan ‘yan, eh,” he said.

When asked kung bakit depende, sagot niya ulit, “Eh, kung mabigat ‘yung aku­sas­yon na talagang maraming viniolate ang ABS, bakit mo pa iri-renew? Kung talagang ma-prove du’n sa hearing na grabe ‘yung kuwan, sinamantala nang husto ng ABS-CBN ang sambayanang Pilipino, bakit n’yo pa iri-renew?

“Kung ma-prove nga doon sa hearing. Kaya nga, dapat may hearing sa renewal ng franchise ng ABS-CBN para ma­laman kung ano talaga ang totoo. Kasi ma­hirap ‘yung puro allegation lang, tapos pag­dating sa hearing, nalaman natin na santo pala itong ABS-CBN, hindi pala ito makasalanan,” he said.

Nang tanungin naman kung may im­plu­wensiya ba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sinasabi niyang ito, ani Sen. Bato, “Ka­ilangan mo pa bang itanong ‘yan sa akin? As I’ve said, ako, I will live and die with Pres. Duterte. I will sink and swim with him.”

Pero nilinaw naman ng senador na bi­bigyan naman daw niya ng tsansa ang ABS-­CBN by looking at the evidence.

“Kaya nga sabi ko, dapat may hearing,” he said.

Dagdag pa niya, “We have to give fair chance to everyone.”

Pero sa bandang huli ay inamin naman niyang biased siya sa presidente.

“I’m biased to my President pero ka­i­langan ko ring may hearing, dahil ‘pag na­­laman ko sa hearing na dapat pala ta­la­gang i-renew, then, dapat i-renew. Darating ako sa punto na I have to decide for my own self na ‘In fairness, kailangang fair tayo sa lahat.’”Pero kung sabihin mong may bias ako ngayon, hindi ako plastic na magsabi sa inyo na walang bias. Ako’y totoong tao, sabi ko, may bias ako towards my President,” paha­yag ng senador.

Sa Twitter ay nag-trending agad kaha­pon si Sen. Bato at mara­ming netizens ang hindi nagus­tuhan ang pag-amin niyang biased siya sa pre­sidente. Kinu­yog talaga ang sena­dor at napaka­ra­ming nang-bash sa kanya.

Komento ng mga ne­ti­zens: “If Bato is working for ‘his President’ and not for the people, then he should resign for his post.”

“Dear Senator Ba­to, if you represent nobody but the President, please stop lying to yourself and your fa­mily, resign from the Senate. As the saying goes ‘Kung saan ka masaya, doon ka’ and we will support you too. Stop drag­ging the august body to the ground!”

“Bato really proves that his service is only for his beloved president, not for the Filipino people. I highly doubt why he won as senator. I haven’t heard any news or read an article of his achievements or works in Senate.”

“I hope everyone who’s vouching for the shutdown of ABS-CBN knows that they are stripping themselves of the inalienable and inviolable right to a free press. As for you, Sen. Bato, your power as a states­man emanates from the people, not the President. RESIGN. #DefendPress­Freedom.”

Mayroon din naman kaming nabasang agree sa kanya pero mabibilang sa daliri.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page