Napili para sa movie, walang dating… Angel, ipinagsigawang si Julia, 'di si Jane ang type magin
- Beth Gelena
- Feb 19, 2020
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Pinutakti ng mga bashers si Angel Locsin matapos niyang sabihan ng “My Darna” si Julia Montes.
Sey ng mga netizens, may bet daw palang ‘Darna’ si Angel, bakit ‘di raw nito inirekomenda sa Star Cinema nu’ng mag-beg-off siya dahil sa kanyang back pain? Ngayong alam na raw niyang may napili na sa katauhan ni Jane de Leon ay saka siya magme-message kay Julia.
Hindi si Angel ang nag-post ng larawan ni Julia kundi ang lead actress mismo ng 24/7. Ipinost ni Julia sa kanyang social media account ang mensaheng “My Darna” ni Angel.
Sa palagay namin, walang masamang intensiyon si Angel sa kanyang mensahe kay Julia. Word of admiration lang daw ‘yun ni Angel kay Julia dahil sa teaser ng comeback teleserye nitong 24/7 kung saan hasang-hasa na siya sa aksiyon.
Samantala, may mga netizens na nagre-react at nagsasabing hindi raw nila type ang napiling Darna ng SC.
Komento ng mga netizens: “Julia seems to be liked by everybody in the industry. The chismis about her might be true. That she is indeed mabait. She is close with senior actresses and they call her ‘Bebe.’”
“I am a baby boomer and Darna is Angel. It’s like Vilma is Arabia Servios and Marian is Marimar. Getz n’yo na.”
“Julia is on top of Angel’s list to play Darna. I knew this from someone close to Angel.”
“Sa sobrang walang appeal ni Jane, muntik ko nang makalimutan na may napili na palang Darna.”
Ayan, paging Jane de Leon, kailangan mo nang isigaw sa madlang pipol ang “DARNA!”





Comments