top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Lago, nanguna sa 9th Seventh Inter-Club Cycling Series

  • A. Servinio
  • Feb 19, 2020
  • 1 min read

Naghari si Marc Ryan Lago ng Go For Gold sa Open Category sa ika-siyam na yugto ng Seventh Inter-Club Criterium Cycling Series noong Linggo sa kahabaan ng C5 Extension sa Las Pinas City. Nagtala ng 10 puntos sa karera si Lago, malayo sa pumangalawang si John Mier ng Solido na may anim na puntos at Leonel Dimaano ng Celeste Cycles na may apat na puntos. Nagpakita rin si Lago ng kahandaan na sumabak sa LBC Ronda Pilipinas na lalarga ngayong Peb. 23 sa Sorsogon. Ang iba pang ginawaran ay ang pang-apat na si Nichol Pareja ng 7-Eleven CLIQQ at kampeon ng 2014 Ronda na si Reimon Lapaza ng Celeste na pang-lima.

Dahil dito, naagaw ni Lago ang unang puwesto sa pangkalahatang serye. Mayroon na siyang 25 puntos subalit isa lang ang lamang sa pangalawang si Mervin Corpuz ng 7-Eleven na may 24 puntos at Marvin Tapic ng PHL Army na may 23 puntos.

Pang-apat sa serye si Mark Lexter Galedo ng 7-Eleven, ang kampeon ng 2012 Ronda. Ang iba pa sa Top 10 ay sina Dimaano, George Oconer ng PHL Navy-Standard Insurance, Mier, Lapaza, Rex Luis Krog ng Go For Gold at Archie Cardana ng PHL Navy-Standard Insurance.

Sa mga age category ay wagi sina Steve Hora sa U-29, Jeff Monton ng Opus sa 30-39, Eusebio Quiñones ng Celeste sa 40-49 at Emmanuel Tiples sa 50-above. Si Frederick Chua ng Magellan Solutions ang kampeon sa karera ng mga team manager. Si Orlando Sabuon ng Solido ang kampeon sa Mountain Bike Open. Sinundan siya nina Archie Mapa ng Jay Pogi at Joms Laplana.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page