Jun Tailor at Viscerion magandang dehado

Aalagwa ngayong gabi ang Additional One Win in Group Races na paglalabanan ng limang Condition Race, isang Group Race at isang 3 Year Old Maiden Race sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Kasabay nito bibitiwan din ang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 na bubuo sa pitong karera na paglalabanan ng mga piling kabayo.
Hahagupit din ang Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six na inaasahan na magbibigay ng magandang dividendo.
Sa Race 1, panimula ng WTA sa pag-alagwa ng Condition Race (22) na paglalabanan ng siyam na kalahok at binibigyan ng panalo ang Pilya, habang tatalunin ng Big Boy Vito at Seni Sevoviyorum.
Binibigyan din ng panalo ang Zapima at posibleng umulit ng panalo ang Magic Carpet Ride at makatsamba ang Heat Resistant sa pag-alagwa ng Race 2 kasabay ng Pick 6.
Sa Race 3, simula ng Pick 5 ipinapatok ang Cups in Raver habang kalaban ang Great Britain at King Jeff kasabay ng Trifecta, Quartet at Pentafecta.
Sa Race 4, simula ng Pick 4, pinapaboran ang Missus Field habang makakalaban ang Smart Tyler at couple entry na Cannon Ball at Only One. Sa Race 5, nakalalamang ang Prince Jhon habang makakalaban ang Adorable Maxinne at HandsomeJhon sa pag-alagwa ng 3 Year Old Maiden race.
Sa Race 6, ipinapatok ang Alta’s Glory habang magbibigay ng magandang laban ang Jun Tailor at Viscerion isama sa Quartet at Pentafecta ang Money in My Pocket.
Sa Race 7, nakalalamang ang Rico Mambo habang makakalaban ang Warrior Heart at isama sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six ang couple entry na Humuhumunukunuku at Gunga Din, Manlot Island, Ainna’s Victory at Stockholm.





Comments