top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Gay TV host, 'di kakampi ng mga kafatid… SOGIE Bill, supalpal kay Mother Ricky kaya nabasura

  • Julie Bonifacio
  • Feb 19, 2020
  • 3 min read

Malinaw ang stand ng sikat na hair and make­up guru na si Mother Ricky Reyes sa renewal of franchise ng ABS-CBN.

“For me, law is law. Ito ay ma­lupit, pero, ito ay law, kailangang sun­din ng lahat,” diin ni Mother Ricky nu’ng makausap namin sa Childhaus last Thursday, February 13.

Naniniwala naman si Mother Ricky na mapagtatagumpayan ng Kapamilya Network ang kasong isinampa sa kanila sa Supreme Court lalo pa’t kung may sapat na ebidensiya ang management.

“Kung expired, expired. Then, you have to re-apply. Kung na-approve, okay. Kung hindi, pasensiyahan. Ganoon lang naman ‘yan, eh. Sabi nga natin, masakit ang batas, pero kailangang sundin.”

Pero kung may na-violate na batas ang Dos, kailangan daw sundin ang nakatakda.

“Well, you know, politics is politics. If you’re going to stand on my way, sorry, tsuk ka. Pero kasi, ang nagpapatakbo ng politics, media, diyaryo, ganyan. Some peo­ple got lucky, some people don’t. Pero si­guro naman, may kani-kanya silang rason. May rason ang ABS-CBN, meron din ang gobyerno. And let’s see kung saan patu­ngo. Kung tuloy, eh, di well and good. Kung hindi, you have to know why.”

May say din si Mother Ricky tung­kol sa mga empleyadong mawawalan ng trabaho just in case na ‘di na mai-renew ang franchise ng Kapamilya Network.

“Eh, nu’ng kami (Childhaus), isinara ng PCSO, pero heto nandito pa rin kami. Hindi ba’t may kasabihan, kapag may nag­sara na sampung pintuan, may mag­bubukas na 20 bintana?

“Tataas ‘yan lahat. There’s always an op­portunity. Minsan ang oportunidad, nanggagaling pa sa misfortune. Mari-realize mo, ‘di ba? May kasabihan nga, sometimes God will send you to the dark only for you to see the light, ganu’n lang naman ‘yan. People will thrive. Mabubuhay at mabubu­hay din ‘yan, gaya ng mga bata na iniiwan ng kanilang mga magulang,” lahad pa niya.

Last year, lumikha ng malaking ingay si Mother Ricky dahil sa inilabas niyang opin­yon at damdamin sa inuusad noon na SOGIE Bill sa Kong­reso at Senado.

Tutol si Mother Ricky sa SOGIE Bill at naging usap-usap­an ang pinakawalan niyang mga pahayag ukol sa ‘bak­­lang hamburger.’ At after ng sinabi ni Mother, ‘di nagtagal ay nagkaroon na ng desisyon ang dalawang mala­laking institusyon ng bansa na ikansela ang naturang bill.

Nu’ng nagkita nga raw sila ni Sen. Tito Sotto, binati siya ng dating komedyante at TV host na siya lamang daw pala ang “susupalpal,” something to that effect sa mga nagpu-push ng SOGIE Bill.

Bahagi rin ng interbyu namin kay Mother Ricky noon ang tungkol sa mga gays na nagsusuot ng bestida sa daan. Kaya raw nababastos ang ilang members ng LGBTQIA+ ay dahil sa pagsusuot ng bestida na wala sa lugar.

Inalam naman namin kung offended ba siya sa tila pananadya ng gay TV host na si Vice Ganda sa pagsusuot ng bestida pagkatapos ng mga sinabi ni Mother Ricky.

“Ay, hindi. Ang bongga nga niya dahil nagagawa ni­yang magsuot ng bestida sa show niya. Hindi lahat ng kagaya namin ay nabibigyan ng ganyang chance. At saka, okey nga ‘yun, eh, sa trabaho naman niya ginagawa. Okey lang ‘yun,” sabi pa niya.

Happy din si Mother Ricky sa relasyon nina Vice at Ion Perez na magkasama sa It’s Showtime.

“I’m happy for him. I’m happy for the both of them. Happy na lang tayo sa kanila. Ang masasabi ko lang, just enjoy the moment. At kung hanggang saan ‘yan, no one knows. Basta, enjoy while it lasts.”

‘Yun na.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page