top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

COVID-19 scare: Mula 38,000, may 200 elites na lang sa Tokyo Marathon

  • MC
  • Feb 19, 2020
  • 1 min read

May 200 elite athletes lamang ayon sa organizers ng Tokyo Marathon nitong Lunes ang patatakbuhin kabilang na ang wheelchair racers para sa darating na pre-Olympic event upang hindi sila maapektuhan ng coronavirus outbreak.

May halos 38,000 na runners ang nakaiskedyul na tumakbo sana sa Marso 1 sa “general entry” category subalit hindi na sila papayagang makalahok dahil na rin sa virus outbreak sa China na lumaganap na sa iba pang mga bansa kung saan apektado na rin ang iba pang sports events.

Humingi ng pasensiya si Tokyo Gov. Yuriko Koike sa mga mananakbo sa general category na pawang mga pumasa sa karera sa bisa ng loterya at aniya ang desisyon ay para na rin sa kaligtasan at kalagayan ng publiko. “To all the general entry runners who felt joy at being selected, we apologize, but these restrictions are unavoidable,” saad ni Koike.

Pinag-aralan din ng organizers ang iba pang opsiyon, pero sa ilang ulit nilang pagpupulong at sa rami ng infection cases sa Japan, limitado na lang sa ilang daan ang kalahok. “It was a very difficult decision, but it was all we could do,” saad ni race director Tadaaki Hayano.

Para makabawi ang organizers, ang general runners na napili ngayong 2020 ay awtomatiko nang eligible para sa 2021 event, pero kailangang magbayad muli ng entry fee dahil hindi na mare-refund ang ibinayad ngayong taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page