top of page

Pagkain ng matatamis ng buntis, delikado para sa baby

  • Shane Ludovice
  • Feb 18, 2020
  • 1 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay buntis sa aking panganay na anak. Worried ako dahil lately ay napapadalas ang pagkain ko ng mga desserts tapos last time na nagpa-check-up ako, sinabihan ako ng OB-Gyne na bawasan ko raw ang pagkonsumo sa matatamis na pagkain upang hindi ako magkaroon ng gestational diabetes dahil delikado raw ito sa aking pagbubuntis. Puwede n’yo bang talakayin ang tungkol sa sakit na ito? Maraming salamat! - Jeya

Sagot

Ang gestational diabetes ay diabetes na natutuklasan lamang sa panahon ng pagbubuntis kung saan tumataas ang blood sugar ng mga babaeng may ganitong kondisyon.

Hindi ito dapat ipagsawalambahala dahil ang mga batang ipinanganak ng ina na may gestational diabetes ay mataas din ang tsansa na magkaroon ng diabetes sa kanyang paglaki. Kung hindi maagapan ang diabetes ng ina habang nagbubuntis ito, ang bata sa sinapupunan ay nagiging overweight (ipinapanganak na ang timbang ay 8 pounds pataas) kaya tumataas ang peligro na magkaroon ang bata ng shoulder injury sa paglabas nito sa puwerta o mangailangan ng cesarean section para mailuwal ang bata.

Kung buntis ka ngayon at nahihilig sa matatamis na pagkain, makabubuti na kontrolin o bawasan ito, gayundin, magtanong ka sa iyong OB-Gyne kung dapat ka na bang magpagawa ng 75-g Oral Glucose Tolerance Test (OGTT). Ito ay eksamin o test para malaman kung may diabetes ng pagbubuntis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page