top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nagsasabi lang daw siya nang totoo… Ibinulgar ni Robin: Coco, binubuhusan ng tubig ang mga tutulug-t

  • Erlinda Rapadas
  • Feb 18, 2020
  • 1 min read

Photo: @mr.cocomartin

Wala pang reaksiyon si Coco Martin sa pagdawit sa kanya ni Robin Padilla sa mga banat nito sa ABS-CBN kung saan ibinulgar ng mister ni Mariel Rodriguez-Padilla na nambubuhos daw ng tubig ang bida ng Ang Probinsyano sa mga crew nito na nakakatulog sa taping dahil sa sobrang pagod at nang-away pa diumano ang aktor-direktor ng babaeng location manager.

Pero ang mga fans ni Coco ang umalma kay Robin para sa aktor. Depensa ng mga tagahanga ng Kapamilya actor, maituturing pa ngang “hero” si Coco na tumutulong sa mga artistang walang trabaho dahil isinasama niya sa Ang Probinsyano at tagasalba rin daw ito ng mga artistang may bisyo dahil nabibigyan ng chance na magbago kapag may trabahong pagkakaabalahan.

Sagot naman ni Binoe sa mga bashers, katotohanan lang ang kanyang sinasabi at wala siyang personal na galit kay Coco. Gusto lang ni Robin na mabigyan ng parehas at makataong treatment ang mga maliliit na manggagawa sa showbiz.

Nabanggit din ni Binoe na hindi lang naman si Coco ang tumutulong at nagbibigay ng trabaho sa maliliit na artista. Nakuha lang daw nito ang ganitong style kina FPJ at Rudy Fernandez.

Well, marami ang nagmamahal, umiidolo at nagtatanggol kay Coco at hindi sila papayag na maging nega ang imahe nito sa publiko. Pero si Robin, marami rin namang supporters at nakakaalam ng kanyang mabuting pakikitungo sa mga kapwa-artista at production people, ganu’n din sa entertainment press na nangangailangan ng tulong.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page