Libreng kasal ng 1,000 couples nu’ng V-Day, sagot ng Pag-IBIG Fund!

Bulgarific
Hello, Bulgarians! Ang kasal ang sumisimbolo sa pagsasama habambuhay ng dalawang nagmamahalan. Ito rin ang tumatayong pundasyon sa pagbuo ng pamilya. Kaya naman, 1,000 couples sa buong Pilipinas ang ikinasal noong mismong Araw ng mga Puso sa tulong ng Pag-IBIG Fund.
Mula noong 2012, ang I Do, I Do Araw ng Pag-IBIG Program ng Pag-IBIG Fund ay nagkasal na ng halos 21,000 couples! Isipin mo, 21,000 couples ang sabay-sabay na nagdiriwang ng kanilang wedding anniversary tuwing Valentine’s Day!
“Ganito natin ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso sa loob ng 9 na taon. Tinutulungan ng Pag-IBIG Fund ang mga magkasintahan na gusto nang magpakasal at para ma-enjoy din ng bawat miyembro ang kanilang mga benepisyo. Ito rin ang isa sa mga paraan para maisagawa ang ipinangako natin kay Pangulong Rodrigo Duterte na suportahan ang mga pangangailangan ng bawat pamilya sa Pilipinas,” bahagi ni Secretary Eduardo D. del Rosario, chairperson of the 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees at newly-appointed secretary of the Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Sa National Capital Region (NCR), ginanap ang I Do, I Do Araw ng Pag-IBIG sa Manila Hotel at pinangunahan ni Manila City Mayor Francisco “Isko” M. Domagoso. Ibang level, ‘di ba? Bukod pa rito, nagkaroon din ng mass wedding sa iba’t ibang parte ng Pilipinas tulad sa Baguio, Isabela, Pampanga, Bulacan, Laguna, Bicol, Cebu, Negros Occidental, Cagayan de Oro at Davao.
Para masiguro ang kaligtasan ng bawat ikakasal at pangontra sa COVID-19 ay minabuting dumaan muna ito sa recommendation ng Department of Health (DOH). Mayroon ding namimigay ng mask at alcohol sa loob ng venue para sa kaligtasan ng lahat.
“Isa ang programang ito sa pagbibigay ng tulong sa mga miyembro ng ahensiya. Para rin ito sa mga low-income sectors na walang pampakasal. Dahil sa programang ito, maraming pamilya ang lalong nagbuklod at nagmahalan. Ito rin ang paraan para maipakita sa bawat miyembro na ang Pag-IBIG Fund ay hindi lang para sa savings institution at provider ng home loan, ito rin ay partner natin sa pagbuo ng masayang pamilya,” sabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments