top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Isinilang sa Year of the Fire Rat, suwerte sa career at love life ngayong 2020, pero mauutangan ng k

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 18, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa pagpapatuloy ng Chinese Astrology Forecast 2020, tatalakayin natin sa isyung ito silang mga isinilang sa Year of the Fire Rat, kung ano ang kapalarang magaganap sa kanilang buhay ngayong 2020.

Tandaang may limang klase ng Daga, ayon sa taglay niyang elemento. Noong nakaraang mga araw, tinalakay natin ang Metal Rat (silang mga isinilang noong 1960), Wood Rat (silang mga isinilang noong 1924 at 1984) at Water Rat (silang mga isinilang noong 1972).

Sa isyung ito, ang Fire Rat o Apoy na Daga naman ang tatalakayin natin upang ang pag-aanalisang ito ay maging gabay ninyo sa pagkamit ng tagumpay at wagas na ligaya ngayong 2020.

Kung ikaw ay isinilang noong 1936 at 1996, partikular mula noong ika-19 ng Pebrero, 1996 hanggang ika-6 ng Pebrero, 1997, ikaw ay tatawaging Fire Rat.

Ganito ang tinatayang magiging kapalaran mo ngayong 2020.

Kusang tataas ang iyong kinikita, sisigla ang pakikipagtransaksiyon mo sa aspetong pangangalakal at susuwertehin ka sa larangan ng career, gayundin, may mga promosyon, papuri at pagkilala kang makakamit.

Gayunman, sinasabing hindi ka dapat magtiwala nang labis sa mga kaibigan pagdating sa larangan ng pananalapi dahil may babala na mauutangan o mahihiraman ka ng malaking halaga nang wala nang bayaran. Sa negosyo at pakikipagtransaksiyon, huwag ka agad pipirma sa mga papeles nang hindi muna binabasa o pinag-aaralang mabuti ang anumang papeles na ito.

Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, maraming ups and downs ang mararanasan mo at makukulay na pakikipagrelasyon ang iyong masusuotan. Bagama’t, may mga masasarap at masasayang suyuan na dadalaw sa iyong damdamin, ito ay itatalang panandalian o pansamantala lamang.

Upang magtagal ang anumang relasyon na papasukin mo ngayong 2020, hindi ka dapat palaging naghahanap o naghahangad ng sarap at ligaya. Sa halip, hayaan mong mahinog nang unti-unti at kusa ang anumang pag-ibig o relasyong papasukin mo. Alalahanin mong hindi inaapura ng kalikasan ang paglikha ng higanteng punongkahoy, ganundin ang pagsulpot ng napakabango at napakagandang bulaklak.

Sa pag-ibig, higit kang magiging maligaya at satisfied kung hahayaan mong mag-mature at ma-develop nang unti-unti hanggang sa maganap ang tinatawag na totoo, masaya at wagas na suyuan. Ibig sabihin, sa anumang uri ng pakikipagkaibigan o pakikipagrelasyong papasukin, huwag mo itong madaliin at apurahin dahil kapag ginawa mo ito, siguradong ito ay magiging panandalian lamang. Kapag nakuha mo nang mabilis ang anumang bagay, mabilis din itong mawawala, pero kapag dahan-dahang nabuo ang isang bagay, mas mararamdaman mo ang sarap at ligayang dulot ng ganitong uri ng relasyon na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pag-ibig.

Dagdag pa rito, higit kang magiging mapalad sa career at higit na magiging kapana-panabik sa iyo ang bunga ng bawat pag-ibig kung ito ay magaganap sa buwan ng Marso hanggang Abril ganundin sa buwan ng Agosto hanggang Setyembre.

May pangako ng masarap na romansa at suyuan ang mga petsang 3, 12, 21, 30, 16, 15, 24, 9, 18 at 27, higit lalo sa mga araw ng Martes, Huwebes at Biyernes. Bukod sa golden yellow at lahat ng hango sa kulay ng fire at metal, mapalad ka rin sa red at orange.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page