top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sobrang funny, taob pati ang utol na si Toni… Alex, palit kay Vice Ganda

Erlinda Rapadas
Feb 17, 2020
1 min read

Big, big success at sold-out ang first ever Co-Love Live concert ng magka­sintahang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na ginanap sa New Frontier Theater noong Saba­do, Feb.15. All-out ang support ng mga JenDen fans at jam-packed ang venue.

For sure, marami sa mga fans ang uma­sa at naghintay kung may big announcement na magaganap at kung sa concert na magpo-propose si Dennis kay Jen.

Ang love story nina Jen at Dennis ang concept ng concert na hinati sa tatlong chapters kung saan pumasok ang kanilang mga guests.

Riot si Alex Gonzaga at pa­­sabog ang batuhan nila ng linya ni Jennylyn na ikina­tu­wa ng audience. Bentang-benta ang mga adlib ni Alex at magaling ang timing sa co­medy. Puwede na niyang pa­litan si Vice Ganda. No offense meant kay Toni Gonza­ga, muk­­­hang mas magaling mag-­­comedy si Alex kesa sa kanya.

Panalo rin sa amin ang per­­­formance nina Kim Mo­li­na at Jerald Napoles. Si Kim, hindi lang komedyana, singer pa!

May sakit si Janno Gibbs kaya no show sa Co-Love Live concert. May duet number sana sila ni Jennylyn, mabuti at si­nger din ang pumalit sa kanya na si Nar Cabico ng GMA Music.

Maraming nakikanta sa mga classic OPM songs na inawit nina Jen at Dennis. Nagpamalas din ng husay sa pagda-drums si Dennis.

Ang guest na si JK Labajo na original singer ng Buwan, nagtaka lang kami kung bakit binagu-bago pa ang areglo ng kanta ganu’ng mas maganda ang original version.

Finale number si Alden Richards na siyempre, ki­na­kiligan ng audience.

Congrats, Jen at Dennis, sa matagumpay na Co-Love Live concert.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page