Nahulog sa hagdan pero hindi nasaktan, sign na mai-in love sa taong may pangarap sa buhay
- Socrates Magnus
- Feb 17, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Lorie Ann ng Lorie_Ann_Bye@ facebook.com
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na nahulog ako sa hagdan, pero hindi naman ako napilayan? Alam mo, ngayon, kapag paakyat ako sa hagdan namin ay naaalala ko ang panaginip ko kaya nag-iingat ako.
Naghihintay, Lorie Ann
Sa iyo Lorie Ann, Ngayong Pebrero, sikat na sikat ang mga salitang “fall in love”. Nakakatuwa, ‘di ba? Ang Eng-lish phrase na ito ay ka-tumbas ng “nagmamahal”?
Ngayon, mas gusto ng mga kabataan ang magsalita sa wikang English at ang isa pang nakakatuwa ay ang katotohanang noong sila ay nag-aaral, bukod sa subject na Math, ayaw din nila ang English. Kaya tayong mga Pinoy, kahit mahirap ang buhay, mas maraming nakakatuwa sa ating mga pinaggagagawa.
Isalin natin sa Pilipino ang “fall in love”, okey kaya ang “nahulog sa pagmamahal?” Parang nakakaasiwa, saka wala yatang gagamit ng ganitong translation kahit na ipilit ito ng guro sa subject na Filipino.
Pero ang katumbas ng “fall” ay nahulog, kaya makikita sa iyong panaginip ay na-in love ka. Pero sino ang sumalo sa puso mo? Hindi naman kasi lahat ng nahulog ay nahulog sa lupa dahil ang nahulog na may sumalo ay puwede ring mangyari.
Ang hagdan sa iyong panaginip ay simbolo ng pangarap o ambisyon kaya makikitang ikaw ay nasalo ng taong may pangarap sa buhay.
Ito ang sinasabi ng iyong panaginip, mahuhulog ang loob mo sa taong may pangarap sa buhay kaya binabati kita dahil sa tamang tao ka mahuhulog.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo




Comments