top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

UE Red Warriors, nakabawi sa UAAP Fencing crown

VA
Feb 16, 2020
1 min read

Pinamunuan ng nahirang na Season Rookie-MVP na si Queendenise Dalmacio ang University of the East, ang pagkumpleto sa kanilang pagbawi sa women’s title sa pagtatapos ng UAAP Season 82 Fencing Tournament noong Biyernes sa Paco Arena.

Nagwagi ang Lady Warriors ng 4 na gold, isang silver at 3 bronze medals sa pangunguna ni Dalmacio para makopo ang kanilang league-best ika-13 pangkalahatang korona.

“Tumaas ang level ni Queen magmula noong nakapasok siya sa national team. Naglaro siya ng SEAG, kaya iba na ang mental toughness niya,” pahayag ni UE coach Amatov Canlas.

“Hindi ko nga inaasahan na magiging Rookie-MVP siya. Deserved naman niya talaga iyan,” dagdag pa ni Canlas.

Ginapi ng UE ang De La Salle, 45-36, sa women’s team epee finals, kasunod ang University of Santo Tomas, 45-19 sa women’s team saber.

Tumapos na pangalawa sa kanila ang De La Salle na nag-uwi ng 1-2-1, gold, silver at bronze medals at pangatlo ang napatalsik na dating kampeong Ateneo na may 1-1-2 (gold-silver-bronze).

Sa men’s division muling namayani ang Red Warriors at inangkin ang ikawalong sunod nilang korona. Iginupo ng Red Warriors ang Ateneo Blue Eagles, 45-42, sa men’s team foil finals para makumpleto ang kanilang 5 gold at 1 silver medal haul at maitala ang ika-14 nilang overall title sa pangunguna ni Sammuel Tranquilan na nagtapos na MVP sa ikatlong sunod na taon.

Pumangalawa sa kanila ang Blue Eagles na may 1-3-2 medal tally at pangatlo ang Green Fencers (0-1-5 ). “Happy ako sa performance ng team. Taon-taon naman ganito ang nangyari,” ayon pa kay Canlas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page