top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pasaway na drayber, ‘wag nang hintaying maaksidente, aksiyunan agad!

Editoryal
Feb 16, 2020
1 min read

Nitong Miyerkules ng gabi nang mabalita ang insidente ng pagragasa ng isang jeepney sa walong estudyanteng tumatawid sa pedestrian lane kung saan isa sa mga biktima ang nasawi.

Kasunod ng pagkakaaresto sa drayber ay pagkumpirma ng mga awtoridad na wala itong lisensiya at nagpositibo rin sa drug test.

Paanong ang isang drayber ng pampublikong sasakyan ay nakapagmaneho nang walang lisensiya at gumagamit pa pala ng ilegal na droga? Ilang driver pa kaya ang tulad niya na nariyan lang sa kalsada na tila nag-aabang ng mabibiktima?

Isipin natin, galing lang sa eskuwelahan ang mga batang ito, tumatawid sa tamang tawiran at hinihintay ng mga magulang na makauwi nang ligtas, pero sa isang iglap, kung hindi sugatan ay wala nang buhay na madaratnan — dahil sa adik na drayber at iresponsableng operator.

Ang masaklap dito, biglang mabubuhay ang kaliwa’t kanang inspeksiyon sa mga terminal at ang drug test sa mga drivers ng PUV (public utility vehicle).

Palagi na lang bang ganu’n, kung kelan may nabiktima, saka pa lang kikilos laban sa mga pasaway na operators at drivers?

Hindi ba uubra na magkaroon na ng regular na drug test sa mga drayber? ‘Pag nagpositibo, bawi-lisensiya agad.

Ganundin ang madalas na pag-inspeksiyon sa mga sasakyang ipinapasada, tutal, palaging idinadahilan na nawalan ng preno, may nasirang ganito, ganyan.

Kung wala sa kondisyon ang parehong drayber at sasakyan, huwag nang payagang mamasada kesa makapandamay pa ng iba.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page