top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

MPBL All Star: Alvares, Top Sniper; Carlos, Best Dunker

  • MC
  • Feb 16, 2020
  • 2 min read

Pinaka-asintadong shooter si Lester Alvarez habang si David Carlos ang nanatiling best dunker sa idinaos na Chooks-to-Go MPBL All-Star Extravaganza noong Huwebes ng gabi sa MOA Arena.

Sa lakas ng perpektong third rack, nakagawa si Alvarez ng Bulacan Kuyas ng 24 points sa final shootout upang tanghaling bagong 3-point king ng liga.

Tinalo ng dating Adamson Falcon player si Nueva Ecija’s James Martinez, na nakuntento lang sa 20 points kasunod ng 25 puntos sa unang round, at si Jherome Garcia ng Bicol (17 points). Nanaig si Garcia kay Mikey Williams ng General Santos City (14-12) sa kanilang three-rack tiebreaker para sa third spot sa finals. Nakuha ni Alvarez ang tronong binakante ni Gary David ng Bataan, na hindi na lumahok sa eliminations dahil huli na ang pagpasok niya sa liga.

Pinasaya ni 5-foot-9, Carlos ang manonood dahil sa taas ng kanyang pagtalon. Dahil kailangan niyang higitan ang nagawa noong nakaraang taon, nilundagan ni Carlos sa bisa ng one-handed jam ang apat na katao na sina MPBL founder/CEO Sen. Manny Pacquiao at anak nito na si Jimuel, para sa perpektong 50 points.

Ayon kay Carlos, na-challenged daw siya matapos ang ginawa ni Nick Demusis ng Bacoor na two-handed dunk mula sa toss at umiskor ng 42 points. Pumangatlo si Chris Lalata ng Bicol na may 37 points matapos ang reverse two-handed dunk. Pumuntos ng 27 at 26 sina RJ Ramirez ng Bacoor at Biboy Enguio ng Muntinlupa sa unang round.

Ang slam dunk judges ay sina Chooks-to-Go president Ronald Mascariñas, Jimuel Pacquiao, MPBL Commissioner Kenneth Duremdes, Manok ng Bayan Kobe Paras, at Chooks-to-Go Pilipinas spokesperson Mark Zambrano.Sinabi ni Carlos na ang event na rin ang oportunidad niya para sa paghahandaan muling slam dunk season. “Now I know what I needed to tweak with my technique and strength,” ani Carlos, na nakapagbulsa ng P100,000.

Umiskor ng tig-8 puntos sina Alvin Pasaol ng Zamboanga at Thirdy Ravena nang talunin ng Team Pacquiao ang Team Paras, 21-15 sa 3x3 Celebrity tussle.

Samantala, tinalo ng Team Pacquiao ang Team Paras sa 3x3 sa tikas nina Joshua Munzon at Thirdy Ravena. Nag-tie pa ang laban sa nalalabing 14 na minuto hanggang sa mamayani si Ravena at iselyo ang panalo. Nakapagbulsa ang Team Pacquiao ng P100,000.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page