After i-unfollow ng Kapamilya ang BFF na Kapuso actress… Julia at Gabbi, nagkabati na
Nitz Miralles / Bida

Ikinatuwa ng mga fans nina Julia Barretto at Gabbi Garcia ang ipinost na photo ng una sa kanyang Instagram account kung saan magkasama silang dalawa. Tuloy, may mga netizens na nagtanong kung ibig sabihin daw ba nito ay okay na ang dalawa after mabalitang in-unfollow ni Julia si Gabbi at ang BF nitong si Khalil Ramos sa IG. But after a few days, muling finollow ni Julia ang dalawa.
Sa kanilang Belo date, dahil pareho na silang Belo baby, curious ang mga fans ng dalawa kung napag-usapan nila ang pag-a-unfollow ni Julia.
Mukhang magkikita pa ulit sila matapos magkomento si Gabbi na “Next week again. Love you always.”
Classmates sa St. Paul’s Pasig sina Julia at Gabbi bago sila pumasok sa showbiz. Naghiwalay sila dahil si Julia ay sa ABS-CBN pumirma ng kontrata at si Gabbi, sa GMA-7 pumunta. At least, naayos na ng dalawa kung anuman ang naging isyu nila.





Comments