Terorista, patay sa engkuwentro
North Cotabato — Isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga terorista kamakalawa sa bulubunduking lugar ng Bgy. Manaulanan, Pikit.
Kinilala ang napatay na si Katato Samad, miyembro ng BIFF na nakabase sa nasabing lalawigan.
Nagpapatrulya umano ang mga sundalo nang pagbabarilin ng mga terorista at dahil dito ay agad gumanti ng putok ang tropa ng pamahalaan kaya tinamaan si Samad.
Nang duguang bumagsak si Samad ay mabilis na tumakas ang mga kasamahan nitong terorista.
Sa kasalukuyan ay patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na miyembro ng BIFF.





Comments