Sa edad na 43… Ethel, nanganak ng baby girl!
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Spaking of ‘charot’ thingy, good news dahil nanganak na si Ethel Booba na mahilig sa pangtsa-charot sa social media!
Kahapon (Biyernes), nag-tweet ang 43-year-old comedienne ng legs ng baby at may caption na: “Welcome to this world Little Booba. Charot!”
Inulan ng congratulatory messages ang nasabing tweet ng komedyana at as of this writing ay umani agad ng 421 retweets at 18K likes.
Nakakapagtaka lang kung bakit nauso ang pa-suspense ng mga celebrities sa mukha ng kanilang babies katulad na lang nina Nico Bolzico at Solenn Heussaff na hindi rin agad ini-reveal ang mukha ng kanilang baby.
In fairness, ang puti ng baby ni Ethel. Halatang magiging next charotera talaga!






Comments