Most wanted na rebelde, nasakote
Quezon — Inaresto ng pulisya ang isang most wanted na rebelde kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Gen. Luna.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Hilario de Roxas alyas Ka Mando, 46-anyos, miyembro ng New People’s Army (NPA) na nakabase sa lalawigan at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na dinakip ng mga awtoridad si De Roxas sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong double murder at multiple attempted murder sa lalawigan.
Ayon sa pulisya, matagal na nilang pinaghahanap si De Roxas at kamakalawa lang nila natiyempuhang dakpin.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang suspek nang arestuhin ng pulisya sa nasabing lugar.





Comments