top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Parehong sising-sisi… Jimuel, kumantang nagkabalikan sila ni Heaven pero nag-break uli

Beth Gelena
Feb 14, 2020
1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Guest ang anak nina Senator Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel last Monday night sa programa ni Kuya Boy Abunda na Tonight with Boy Abunda.

Naitanong ng King of Talk ang controversial na hiwalayan nila ng young star na si Heaven Peralejo.

Kuwento ng eldest son ng senador, nu’ng una, parang may galit sila sa isa’t isa.

Ani Jimuel, “Kasi po, parang may galit po kasi doon sa first time, and parang hindi po maayos ‘yung breakup.”

Dugtong pa niya, “Pero over time naman po, nawawala po kasi ‘yung galit, tapos parang ‘yung the decisions we made nu’ng galit kami, parang ni-regret namin. Napag-usapan din po namin ‘yun, kaya parang nagkabalikan kami.”

Nagkahiwalay daw silang muli, pero ‘di na raw tulad ng dati na may galit.

Aniya, “The second time around, it was ano na, like peaceful breakup.”

Tanong muli ni Kuya Boy kay Jimuel, “Sino si Barbie Imperial sa buhay mo ngayon?”

“She’s a friend po,” sagot ni Jimuel.

“Are you getting there?” muling tanong ng King of Talk.

“Getting where po?” balik-tanong ni Jimuel.

Hindi na ito sinundan pa ng tanong ni Kuya Boy, instead ay pinasalamatan niya ang anak ng Pambansang Kamao sa pagbisita sa kanyang programa.

Well, lalabas din naman ang totoo kung nagkakamabutihan na nga ba sina Barbie at Jimuel.

Sa itinatakbo ng career ngayon ng anak ni Sen. Manny na sumusunod sa kanyang yapak bilang boksingero, tiyak mauungkat at mauungkat ang pagiging ‘friends’ nila ng Kapamilya actress.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page