Ospital, wala raw nagawa… K, umaming nagpatawag ng mangkukulam gumaling lang ang sakit
- Julie Bonifacio
- Feb 14, 2020
- 1 min read

Inamin naman ng komedyana-singer na si K Brosas sa Magandang Buhay last Wednesday ang kanyang karamdaman.
Sa umpisa, hindi raw malaman kung ano ang kanyang sakit.
“Eh, kasi, nababarang ako, actually. Oo, umabot talaga ako sa ganu’n, I swear! Umabot talaga ako sa tawas. Kasi nga, lahat ng emergency room that time, 14 years ago, sabi ko, ‘Ano’ng nangyari sa akin?’ Bakit lagi akong nasa emergency room? Na tsine-checkup ako, physically healthy (ang resulta).
“Sabi ko, ‘Why am I experiencing na para akong nai-stroke?’ Tapos, naggaganyan (naninigas na parang nanginginig) ‘yung kamay ko, nagsi-seizure?” kuwento ni K.
Pumayat din daw siya nang bonggang-bongga.
“Kung nakita ninyo, kahit i-check n’yo ‘yung records ko, wala, pati thyroid. ‘Yun ‘yung pinaka-last na tsinek. Kasi sabi, baka thyroid problem daw. Yes, wala. Nakakaloka, sa personality ko naman, I’m healthy as a horse. Eh, ano, nadedemonyo ba ako? Ano’ng nangyayari sa akin?
“Tumawag kayo ng mangkukulam. Alam mo ‘yung nakakatawa sa buhay ko, para akong tinapa. Oo, dinaig ko pa ang tinapa, ‘Day!”
Na-diagnosed daw si K na may chronic anxiety disorder.
“Minsan, may trigger, sobrang saya, sobrang tense,” aniya pa.
Pinuri naman ng mga momshies ng Magandang Buhay si K sa pakikipaglaban niya sa kanyang karamdaman.





Comments