top of page

Lagpas na sa kalendaryo, takot tumandang dalaga pero may pag-asa pang magkaasawa

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 14, 2020
  • 2 min read

Katanungan

1. Matagal na akong sumusubaybay sa inyong mga artikulo at may itata­nong ako tungkol sa guhit ng aking mga palad.

2. Kinakabahan ako na baka hindi na ako maka­pag-aasawa dahil maikli at medyo malabo ang kaisa-isang Marriage Line sa aking mga palad. Gayundin, sabi n’yo na kandidata sa pagtandang dalaga ang mga taong may birth date na 6 dahil March 6, 1983 ang birthday ko. Sa palagay ninyo, tatandang dalaga ba ako? Hanggang ngayon sa edad kong 36 ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend kahit minsan.

Kasagutan

1. Tama ka, Annatacia, medyo maikli at malabo ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Pero hindi ka dapat kabahan dahil meron namang guhit ng pag-aasawa, pero malabo at medyo maikli. Ngunit tulad ng naipaliwanag na, at least, me­ron, hindi tumingalang paitaas at gumuhit pa rin naman at makikitang ito ay papalinaw nang papalinaw (arrow a.).

2. Ibig sabihin, matatagalan bago ka magka-boyfriend at makapag-asawa na kinumpirma ng medyo napalayo ang nasabing kaisa-isang Marriage Line (1-M arrow a.) sa Heart Line (h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Nanga­ngahulugan ngang late 30s o early 40s pa ng iyong edad, doon ka lang ma­kararamdam ng tunay at dalisay na pagmamahal. Kaya sa panahong tinuran, kusang titibok ang iyong puso at makararamdam ka ng tunay at wagas na pag-ibig. Kaya sa panahong ito, magkaka-boyfriend ka na rin hanggang sa tuluyang makapag-asawa sa takdang pana­hong inilaan ng dakilang katalagahan.

Dapat Gawin

Ayon sa iyong mga datos, basta umibig ka nang umibig at ‘wag matakot magmahal, sa 2021 sa edad mong 38 pa­taas, matitisod mo rin ang itinakda sa iyo ng kapalaran, magkaka-boyfriend ka ng isinilang sa zodiac sign na Cancer na siya na ring magtuturo sa iyong magmahal. Dahil ma­tutuklasan mong masarap umibig at magmahal, mauuwi na rin ang nasabing suyuan sa pagpapakasal at masayang pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page