Dos, bago raw ipagtanggol, kapakanan ng maliliit na empleyado ang isipin… Hamon ni Robin: mga artist
Nitz Miralles / Bida

Sa kanyang FB account, hinamon ni Robin Padilla ang mga superstars ng ABS-CBN at GMA Network na humarap nang live at ipagtanggol ang kani-kanyang network. Ilabas ang kontrata ng mga artista at ikumpara sa mga kasama sa trabaho, taping at shooting, at ipakita sa publiko ang mga tinatamasa raw sa mga networks at ipinaglalaban na mawawalan ng trabaho.
Sa mga gustong itama ang mali, simulan daw ang pag-uusap sa tamang suweldo, benefits at tamang oras sa shooting at taping bago ipaglaban ang karapatan ng kumpanya. Unahin daw ipaglaban ang maliliit na manggagawa.
Open si Robin na ilabas ang kanyang kontrata at pagkumparahin ang mga salaries ng Kapamilya, Kapuso at Kapatid stars para raw makita ng publiko.
“Gawin na nating teleserye, punuin natin ng revelations ang isyu na ito na dapat pinag-uusapan sa korte at congress,” sabi ni Robin.
“I am for ABS-CBN renewal pero include the agreement of Chairwoman Liza Diño and Secretary Silvestre Bello in the mission and vision. Una muna tayong magserbisyo sa mga tao natin sa loob natin! Sa bakuran natin! Bago tayo mangapitbahay,” part ng post ni Robin.





Comments