After maka-bilyon ang movie nila ni Alden, naging mabenta… Kathryn, palit sa trono ni Sarah
- Erlinda Rapadas
- Feb 14, 2020
- 1 min read

Ngayong 2020, patuloy na namamayagpag ang career ni Kathryn Bernardo na in demand sa mga product endorsements. Kahit na hindi sila magkasama ni Daniel Padilla, marami pa rin ang kumukuha sa kanya as a solo endorser at nakalinya na ang movie nila ng kanyang BF, ang After Forever na ididirek ni Cathy Garcia-Molina. May serye rin silang gagawin sa Dos, ang Tanging Mahal.
Big factor din sa popularidad ni Kathryn na kumita nang bilyon ang movie nilang pinagtambalan ni Alden Richards, ang Hello, Love, Goodbye, kaya naman dagsa ang offers sa kanya bilang product endorser.
Dahil magpapakasal na si Sarah Geronimo, marami ang nagsasabing si Kathryn na ang papalit sa trono nito bilang top celebrity product endorser. Iba pa rin kasi ang dating sa publiko kapag ‘single’ pa ang isang endorser lalo na’t bata at may wholesome image na tulad ni Kathryn.
But one thing is for sure, hindi naman matutulad si Kathryn kay Sarah na walang kalayaang gawin ang gusto dahil kontrolado ng parents ang kanyang buhay mula noong mag-artista. At kahit na ang Mommy Min ni Kathryn ang humahawak ng kanyang kinikita, hindi ‘yun pagdududahan ng magaling na aktres.





Comments