Tony, out! Paulo, leading man ni Jane sa Darna
- Ador Saluta
- Feb 13, 2020
- 1 min read

Kinumpirma na ng Star Cinema na si Paulo Avelino ang magiging leading man ni Jane De Leon sa pelikulang Darna. Masaya ring ibinahagi ng manager niyang si Leo Dominguez sa kanyang Instagram post nitong February 6 na si Paulo nga ang napili ng film production.
Bukod kay Jane, si Paulo pa lang ang second confirmed cast member ng Darna.
Una nang natsismis na si Tony Labrusca ang magiging leading man sa Darna after he was seen in a meeting with Liza Soberano’s (na nag-back-out dahil sa finger injury) former director, Erik Matti.
Nag-back-out sa project si Direk Matti at si Direk Jerrold Tarog ang pumalit bilang director ng Darna. Nagkatrabaho at naidirek na ni Direk Tarog si Paulo sa pelikulang Heneral Luna at naging title role sa Goyo: Ang Batang Heneral.
Agad namang inianunsiyo ni Direk Tarog that they are already in the seventh shooting day of Darna base sa kanyang post on Instagram last February 7.





Comments