top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Sa pagbabalik-pelikula… Jinggoy, Kumantang todo-inuman lang ang ginawa nila sa shooting

  • Vinia Vivar
  • Feb 13, 2020
  • 2 min read

Nag-last shooting day na nu’ng Tuesday ang Coming Home na comeback movie ni former Senator Jinggoy Estrada.

Excited ang nagbabalik na aktor since medyo matagal na nga siyang hindi gumawa ng pelikula dahil ang huli ni­yang ginawa ay ang Magkaibigan noong 2008.

Malaki ang ipinayat ni Jinggoy ngayon at talagang nag-diet daw siya para paghandaan ang kanyang comeback movie. Aminado naman siyang na-miss niya ang paggawa ng pelikula at ito raw ang isang ba­gay na hindi niya puwedeng ta­likuran dahil dito siya nang­galing.

When asked kung hindi ba siya nangapa sa pag-arte since matagal na siyang walang mo­vie, aniya ay malaking bagay na ka­kilala niya ang kanyang mga co-stars.

Kasama niya sa pelikula sina Sylvia Sanchez, Edgar Allan Guzman, Shaira Diaz, Martin del Rosario, Ariella Arida, Vin Abre­nica, Janna Agoncillo, Smokey Manaloto, Almira Muh­lach, Luis Hontiveros, Chanel Morales, Joko Diaz, anak na si Julian Estrada, ang kapatid na si Jake Ejercito at ang comebacking singer-actress na si Geneva Cruz.

“Malaking bagay ‘yung matagal ko nang kakilala si Sylvia, at ease, may rapport na kaagad. Hindi katulad ‘pag bago, mangangapa ka pa,” sey ng ex-senator.

Unang araw pa nga lang daw ay biruan na agad sila sa set.

“Oy, taba!” sabi raw sa kanya ni Sylvia. “Oy, Ibyang!” sagot naman niya.

Kinausap daw niya ang cast na huwag siyang ituring na senador kundi co-artist din.

“Kaya hindi rin sila nailang sa akin,” he said.

“Tawanan lang kami nang tawanan dito. Inuman lang kami nang inuman. Parang isang pamilya kami, barkada. ‘Yun ang gusto kong relationship from the very start.”

When asked kung paano niya na-convince si Jake na gumawa ng movie since dati ay ayaw nitong mag-full-time sa showbiz, sey ni Jinggoy, “Sabi ko, ‘Sayang ang mukha mo kung ‘di mo gagamitin.”

Biro pa niya, “Sinabihan ko siya na ‘Kung ganyan ang mukha ko sa inyo nu’ng bata ako, yari!”

Isa rin sa mga naitanong kay Jinggoy ay ang mga bashers na hang­­gang ngayon ay ayaw pa rin silang tigilan ni Sen. Bong Re­­villa, Jr.. Pero aniya, hindi niya pinapa­tulan ang mga ito.

“Sanay na ako d’yan, simula pa nang pumasok ako sa lara­ngan ng pulitika. You cannot please everybody naman. Ako, I’m just doing my job. Basta wala akong inaa­pakang tao, wala akong inaagra­byadong tao, walang problema sa akin ‘yun.

“If they want to continue on bashing me, go ahead. Res­pe­tuhan lang tayo ng opinyon,” pahayag ni Jinggoy.

Hindi raw siya sumasagot sa mga bashers since wala rin naman siyang social media account. Mayroon lang daw siyang personal Facebook account.

“Wala akong panahong patulan sila. Kung iisa-isahin ko ‘yun, Diyos ko, hindi tayo matatapos,” natatawa niyang sabi.

Ang Coming Home ay intended for Summer Metro Manila Film Festival mula sa Maverick Films and ALV Productions.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page