Pag-unlad ng probinsiya, sign na dapat magbago na rin para sa ikabubuti
- Socrates Magnus
- Feb 13, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Azucena ng Azucena_ Andaluz@face-book.com
Dear Professor, May kasama akong lalaki at sakay kami ng airplane papunta sa ibang bansa at ‘yung pupuntahan namin ay kamag-anak ko. Pagbalik ko sa probinsiya namin sa Quezon ay napakalaki na raw ng ipinagbago ng lugar. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay, Azucena
Sa iyo Azucena, Sabi ng iyong panaginip, ang lahat ay nagbabago, kaya lang minsan, ito ay hindi totoo dahil may mga taong hindi nagbabago. Dahil dito, ipinapayo ng iyong panaginip na ang mga dapat mong baguhin ay baguhin mo na nang sa gayun ay mapabilang ka sa sinasabing ang lahat ay nagbabago.
Hindi naman ito mahirap gawin. Una, dapat tapat ka sa iyong sarili nang sa gayun ay makita mo ang mga kailangan mong baguhin.
Alam mo, Azucena, ang mga panaginip na nagpapayo ay para lalong gumanda ang buhay ng nanaginip. Sa pagbabago, ang lahat ay gumaganda kaysa sa dati, pero ang hindi nagbabago ay paatras ang takbo ng buhay.
Isang pagbabago rin ang paatras na takbo ng buhay dahil ang ibig sabihin nito ay ang kasalukuyan ay mawawala dahil nabago at papunta sa hindi maganda. Ito naman ang sinasabing nailuluwa ang lahat ng bagay, kumbaga, nagbabago nga, pero papangit naman ang kalagayan.
Kaya ang piliin mo ay ang pagbabago na papaganda na makakamit mo lang kapag naging tapat ka sa sarili mo na may kailangan kang baguhin upang lalo pang gumanda ang iyong buhay.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments