top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

P65-M jackpot prize winner ng Super Lotto 6/49, taga-Isabela

  • Thea Janica Teh
  • Feb 13, 2020
  • 1 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Isang masuwerteng manlalaro ng Super Lotto 6/49 mula Ilagan City, Isabela ang naging instant milyonaryo! Ang masuwerteng 6 number winning combinations ay 22-23-05-15-31-03 na may jackpot prize na Php65,774,986.60.

Kasamang nanalo ng tig-Php28,240 na papremyo ang 29 na manlalaro na nakakuha ng limang tamang numero. Php440 naman ang napanalunan ng bawat isa sa 1,469 na manlalaro na may apat na tamang numero at ang 22,137 na manlalaro naman na nakakuha ng tatlong tamang numero ay nanalo ng tig-Php24 o balik-taya.

Taos-pusong nagpapasalamat ang pamunuan ng PCSO sa mga walang sawang tumatangkilik sa lahat ng produkto nito. Ito ay nagpapatunay na patuloy pa rin ang hindi natitinag na suporta at paglalaro ng mamamayang Pinoy. Ang tuluy-tuloy na suporta ng publiko sa mga produkto ng PCSO ang nagbibigay-daan sa walang kupas na pagbibigay ng tulong-pangkalusugan at serbisyong-medikal sa mga kapuspalad nating kababayan.

Ang Super Lotto 6/49 ay inilalaro tuwing Martes, Huwebes at Linggo. Lahat ng lotto draws ng PCSO ay napapanood nang live araw-araw tuwing alas-9:00 ng gabi sa PTV4 at sa PCSO Facebook page.

Para sa iba pang detalye ng mga produkto ng PCSO, maaari ninyong bisitahin ang PCSO website na www.pcso.gov.ph, YouTube account na PCSO GOV at PCSO Facebook Page na http://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia.

♥♥♥

Paalala ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ang PERYAHAN GAMES ay pansamantalang sinuspinde mula noong February 6, 2020.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page