Maharang lang daw ang kasal kay Matteo... Parents ni Sarah ang magpapakasal sa March 14
- Erlinda Rapadas
- Feb 13, 2020
- 1 min read

Parang napakababaw namang dahilan kung totoo ngang ang parents ni Sarah Geronimo ang muling magpapakasal sa March 14 kaya hindi puwedeng sumabay ang Pop Princess at si Matteo Guidicelli dahil hindi puwedeng magsukob?
Eh, renewal of vows lang naman ang magaganap kina Mommy Divine at Daddy Delfin kung totoo ngang magpapakasal silang muli. Hindi ‘yun first time na pagpapakasal kaya puwedeng magpakasal sina Sarah at Matteo.
Delaying tactics ba ito ni Mommy Divine upang hindi lang matuloy ang kasalang Sarah-Matteo? Hindi pa rin ba katanggap-tanggap kay Mommy Divine si Matteo?
Bali-balita ring gusto raw ni Mommy Divine na magkaroon pa ng prenup agreement sina Sarah at Matteo na tinutulan ng magaling na singer.





Comments