Harden-Westbrook duo 78 pts, ginitla ang Boston
- MC
- Feb 13, 2020
- 2 min read

Nanggulantang ang tambalan nina James Harden at Russell Westbrook sa bisa ng pinagsama nilang 78 points para putulin ng host Houston Rockets ang seven-game win streak ng Boston Celtics sa bisa ng 116-105 victory sa NBA game kahapon.
Bumanat si Harden ng 42 points, 8 rebounds at 7 assists habang si Westbrook ay may 36 points, 10 rebounds at five assists.
May nagawa agad na 31 puntos si Harden sa second half, kabilang na ang 19 para sa Houston pagdating sa 3rd quarter para itarak ang ika-19 na 40-point game ngayong season.
Habang nangunguna ang Rockets sa 96-94 sa kalagitnaan ng laro hanggang 4th quarter, nakahabol sina Harden at Westbrook sa 17-4 run. Umiskor si Harden ng 6 points sa free-throw line at saka nakipagtulungan na kay Westbrook upang tapusin ang panalo para sa Rockets.
Samantala sa iba pang laro, humalibas si Ben Simmons ng 26 points, 12 rebounds at 10 assists upang pamunuan ang host Philadelphia 76ers kontra sa Los Angeles Clippers, 110-103.
Naiangat ni Simmons sa bisa ng pang-anim na triple-double ang Sixers para sa panalo nila sa ikatlong sunod na laro.
Lagpak ang Clippers sa 1-2 sa kanilang four-game road trip. Si Philadelphia center Joel Embiid na pinuna dati ng fans dahil sa tweets niya at posts sa social media ay dumagdag ng 26 points at 9 rebounds.
Umiskor si Josh Richardson ng 21 puntos habang may 17 points si Tobias Harris at 12 rebounds para sa Sixers na umibayo sa league-best 25-2 sa sariling balwarte.
Nasayang sa Clippers ang 30 points ni Kawhi Leonard at 9 assists. Dumagdag si Landry Shamet ng 19 points habang may tig-13 puntos sina Marcus Morris Sr. at Lou Williams.
May nabakas na 11 points si Paul George at 12 rebounds. Sa iba pang laban, napurnada ang Chicago Bulls sa Washington Wizards, 126-114 at natalo ang New Orleans sa Portland Trailblazers, 138-117.





Comments