top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Expecto Patronum, baka makasilat

Ding Taboy
Feb 13, 2020
1 min read

RENDA at LATIGO

Bibitiwan ngayong araw ang ‘Additional One Win in Group Races’ na binubuo ng anim na karera sa Santa Ana Park Naic, Cavite.

Nakatakdang maganap ang limang Condition Race at Group Race at 3 Year Old Group Race (7). Kasabay nito magaganap ang Pick 6, Pick 5 at Pick 4, kaugnay nito matutunghayan din ang Trifecta, Quartet at Pentafecta.

Sa Race 1, panimula ng Pick 6 na paglalabanan ng walong kalahok at binibigyan ng panalo ang Biglang Buhos, Runzaprun at Mount Iglit.

Ngunit, binibigyan din ng panalo ang Zapima at huwag balewalain ang Angel Brulay at Show Off. Sa Race 2, umpisa ng Pick 5, nakalalamang ang Pilya habang magsisilbing kalaban ang Olympic Gold, huwag ding kalimutan ang Rocking Star at Big Boy Vito.

Sa Race 3, simula ng Pick 4 sa Condition Race (16) nakalalamang ang Electrify habang ang Arimunding Munding ang makakalaban habang ang Expecto Patronum ay may tsambang manalo.

Sa Race 4, ipinapatok ang Storm Chaser at makakalaban ang April Fifteen at huwag mawawalan ng Puso sa Paraiso. Sa Race 5, nakikita ko na maglalaban ay ang Misha at Faithful Wife habang ang Apple de Zap ay may tsamba.

Sa Race 6, nakalalamang ang Star of Kaiapawan habang ang Hard Work Classic ay makakalaban at may tsamba ang Oakhill Princess.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page