top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

'Wag daw silang tanggalan ng karapatan at kabuhayan, P-Digong… Regine, todo-sigaw na 'wag is

  • Nitz Miralles
  • Feb 12, 2020
  • 2 min read

Nitz Miralles / Bida

Photo: @reginevalcasid

Pinost uli ni Regine Velasquez ang logo ng ABS-CBN bilang suporta sa network na may hinaharap na malaking isyu sa usaping renewal ng franchise.

Sa unang Instagram post kasi ni Regine, disabled ang comment box niya gaya nina Pokwang, Karla Estrada, Ogie Alcasid at iba pang Kapamilya talents. Tanong tuloy ng isang netizen, paano sila makakapagpahayag ng suporta sa ABS-CBN via IG kung disabled ang comment box nila? Mabuti pa raw sina Gary Valenciano, Angel Locsin, Jolina Magdangal, Bea Alonzo, Kim Chiu at Coco Martin, open ang comment box at ready sila sa mga bashers at nakikisimpatya sa network.

Kaya ang sumunod na post ni Regine, open na ang comment box at nag-comment pa siya ng “WE DID NOT VIOLATE THE LAW. #WagIsaraAng ABSCBN.”

Sa sumunod niyang post, binanggit niya ang mararamdaman ng mga Kapamilya viewers sa napipintong pagpapasara sa network.

“Naligalig din po ako dahil nakasalalay din po ang aming kabuhayan sa ABS-CBN. Naisip ko tuloy... na kung ako ay naliligalig, paano pa ang iba na dito talaga nakasalalay ang buhay nila at pamilya nila?

“Siguro, hindi natin mararamdaman agad ‘pag wala at tuluyan na ngang isinara ang network. Pero sa kalaunan, mararamdaman natin na tayo pala ay natanggalan ng KARAPATAN. Siguro maliit na bagay ito para sa ‘yo pero sa amin, personal ito.”

Post naman ni Coco: “Mahabang taon na napatunayan ng ABS-CBN na kahit ano man ang dumating na pagsubok sa ating bansa, lagi silang nand’yan para tumulong sa ating bayan!!”

Heto naman ang post ni Angel Locsin: “Praying that the law shall be used to protect jobs, press freedom, justice and betterment of the Filipino people.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page