top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Showbiz, 'di raw kumpleto kung wala ang aktor… "Maraming magagaling na artista, pero iba s

  • Julie Bonifacio
  • Feb 12, 2020
  • 3 min read

Kinumpirma ni Direk Cathy Garcia-Molina na patuloy pa rin ang komunikasyon nila ni John Lloyd Cruz.

“Yes, yes,” pahayag ni Direk Cathy pagkatapos niyang tanggapin ang pinakamataas na award, ang Camera Obscura, na ipinagkaloob sa 4th Ambassadors’ Night ng Film Academy of the Philippines na ginanap sa Maybank Performing Arts Theater sa BGC, Taguig City nu’ng Feb. 9.

Okey naman daw si John Lloyd nang kumustahin namin sa kanya ang aktor. Aniya, “Eh, kasi, ‘yung aso ko, kapatid nu’ng aso niya. Eh, nanganak ‘yung aso ko. Eh, di tito na ‘yung aso niya. Hahaha!”

But, how’s his personal life? “Okey,” sabay thumbs up ni Direk Cathy.

Tinanong namin ang Box Office Director kung nabanggit ba sa kanya ni John Lloyd ang kalagayan ng relasyon nito at ni Ellen Adarna. May tsika kasi na hiwalay na ang dalawa.

Sagot niya, “Ahhh, wala. Wala naman akong alam tungkol doon. Pero happy lang ako na ang pogi niya sa mga magazines ngayon, hahahaha!”

Pagkatapos ng highest grossing Pinoy film of all time, ang Hello, Love, Goodbye na idinirek niya, may dalawang pelikula pang natitira na kailangang tapusin ni Direk Cathy bago siya pumunta ng New Zealand kasama ang kanyang mga anak. Isa sa last two projects na kanyang gagawin ay tiniyak niyang pagbibidahan ni John Lloyd.

“I cannot say ngayon. Mapapagalitan po ako. But sigurado ako na ‘yung dalawang huling pelikula ay sa dalawang taong malapit sa puso ko,” pa-sweet na sabi niya.

Masaya naman si Direk Cathy na nagbalik na ulit si John Lloyd sa paggawa ng pelikula.

“Ay, happy naman ako. It’s about time. Hahaha! Na-miss na natin siya, eh. Excited, I mean, we missed him. The big screen misses John Lloyd Cruz. I mean, John Lloyd is John Lloyd. Maraming magagaling na artista, pero iba si John Lloyd. So, hindi naman kulang. But, the wide screen would be better with him.”

Mabilis na kumalat ang balitang makakatambal muli ni John Lloyd ang dati niyang kapareha na si Bea Alonzo sa pelikulang gagawin ni Direk Cathy.

“Sabi ba? Uhhhh… Basta ako, my lips are sealed. Mapapagalitan nga ako. Alangang ako pa ba ang magko-confirm sa inyo, ‘di ba?” sey niya. Very open din si Direk Cathy na si John Lloyd ang pinakapaborito niyang artista.

Hindi ba siya mapipigilan sa pag-alis ng bansa ng naitalang box office record ng Hello, Love, Goodbye at ng paggawad sa kanya ng Camera Obscura award mula sa FDCP?

“Hayaan mo naman na ‘yung ibang direktor ang magbigay ng ganito,” ngiti niya.

Hindi na ba siya babalik ng Pilipinas? “Depende, kung mai-enjoy ko ang pananahimik, baka magtuluy-tuloy. Pero kung ma-miss ko naman ang industriya sa paggawa ng pelikula, I can always go back.

“But for now, tuloy pa rin ang plano. Hindi pa rin nagbabago. Pero tingnan natin sa mga bagong kaganapan.”

Samantala, we asked her kung ano ang pakiramdam pagkatapos niyang tanggapin ang Camera Obscura trophy kahilera ang batikan at award-winning na mga manunulat na sina Ricky Lee at Nick Deocampo sa ginanap na Ambassador’s Night ng FDCP.

“Ang saya!!! Hahaha! Hindi, maraming salamat,” habang tina-tap ang kanyang award.

“Kay Ms. Liza (Diño), sa FDCP, maraming salamat. Thank you, thank you, thank you, sa napakalaking karangalan na ‘to. As in, nanliliit ako sa stage. Pero lahat, lahat, sabi ko sa inyo naman, galing sa manonood. Sila ‘yung nagbigay ng ganitong karangalan.”

Ano ang dating sa kanya bilang direktor ng pelikulang kumita ng mahigit isang bilyong piso?

“Pareho lang naman ‘yun, hahaha!” habang gumagaralgal ang boses. “Ang importante, nagpapasaya kami ng mga tao. ‘Yung ang dami ng nanood, siguro naman, eh, napasaya namin sila. Thank you. Thank you,” sey ng napakahusay na direktor.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page