top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ngayong break na kay James… Nadine, naging mabenta sa mga pulitiko at businessman?

  • Erlinda Rapadas
  • Feb 12, 2020
  • 1 min read

Wow, ha?! Ikatuwa kaya ni Nadine Lustre na siya ngayon ang pinagpapantasyahang makuha-mapaibig ng ilang pulitiko at rich businessmen after nilang mag-break ni James Reid?

Noon pa man, marami na ang gustong pumorma kay Nadine, lalo na noong idinispley niya sa social media ang kanyang mga sexy photos na naka-two-piece.

Ang lakas ng atraksiyon niya sa kalalakihan at naghihintay lang ang mga ito ng tiyempo na makaentra sa buhay ni Nadine. Isa na nga rito ang ex-suitor nina Ella Cruz at Erich Gonzales na si Xian Gaza.

May paandar pa ang guy na ito na may ibibigay siyang “bouquet of Mustang” para kay Nadine na kursunada niyang ligawan at paibigin.

Naka-post pa nga sa social media ang bouquet of Mustang na Valentine gift daw niya sa ex-GF ni James at may caption pang can afford siyang magregalo ng ganito kamahal dahil okey ang financial capacity niya sa panahong ito.

Let’s see kung kaya niyang silawin sa mamahaling regalo si Nadine at pumatol sa kanya, ‘noh?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page