Koleksiyon ng Pag-IBIG, tumaas nang P12 bilyon mula sa P4 bilyon nu’ng 2018
- Thea Janica Teh
- Feb 12, 2020
- 2 min read
Bulgarific
Hello, Bulgarians! Pinangunahan kamakailan ni newly-appointed Housing Department Secretary Eduardo del Rosario ang report tungkol sa record-breaking earnings, housing loan releases at cash loan releases ng Pag-IBIG Fund para sa kanilang mga miyembro, partners at iba pang stakeholders.
“Masaya kaming ipamalita na nakamit muli ng Pag-IBIG Fund ang record-breaking report sa taong 2019. Kaya naman, tuluy-tuloy lang ang mandato ng ahensiya na pangalagaan ang savings ng bawat mamamayan at pagbibigay ng affordable at accessible home financing programs para sa lahat ng miyembro,” bahagi ni Secretary Eduardo del Rosario, chairperson ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees at secretary ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Malaki ang itinaas ng koleksiyon ng savings ng mga miyembro sa ilalim ng Modified Pag-IBIG 2 (MP2) Savings at umabot sa Php12.01 bilyon mula sa Php4.47 bilyon noong 2018. Tumaas ito ng halos 169%!
Samantala, nalagpasan din ng Pag-IBIG Fund ang record nito sa home loan na umabot sa Php86.74 bilyon at napakinabangan ng halos 95,276 miyembro. Bukod dito, Php10.64 bilyon ang inilabas para sa socialized housing na naibigay sa 27,145 borrowers na nasa minimum wage at low income sector. Sa cash loan, umabot sa Php53.83 bilyon ang inilabas ng ahensiya para sa 2,593,538 members.
Pagdating naman sa asset ng ahensiya, lumagpas pa ito sa expected performance na Php603.39 bilyon noong taong 2019. Samantala, umabot na sa Php34.37 bilyon ang net income nito, ang pinakamataas sa history ng Pag-IBIG Fund!
“Binibigyan natin ng oportunidad ang mga miyembro at stakeholders na malaman ang achievement ng Pag-IBIG Fund sa loob ng isang taon, kaya naman, ginagawa natin ito every year. Ang achievement na ito ay hindi lang para sa ahensiya kundi pati na rin sa lahat ng Filipino. Ang Lingkod Pag-IBIG ay hindi lang isang tagline para sa amin, ito rin ang paraan ng aming pagtatrabaho para maabot ang lahat ng ito sa ngalan ng public service at transparency,” sabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments