'Honeymoon', sa Amanpulo pa! Vice, gumastos ng mahigpit P.5-M sa Valentine date nila ni Ion

Photo: @praybeytbenjamin
Nag-early honeymoon… este early Valentine’s Day celebration na ang magdyowang sina Vice Ganda at Ion Perez kahit sa Feb. 14 pa ang Araw ng mga Puso.
As of this writing, umabot na sa mahigit 600 K at 700 K likes ang mga ipinost ni Vice sa kanyang Instagram account na sweet photos nila ni Ion habang nasa beach resort sa Amanpulo, Palawan, at parang unlimited din ang comments ng mga kapwa celebrities at fans ng celebrity couple.
Sa pose nina Vice at Ion sa beach na parang movie poster ng isang love story,
pati ‘yung nakita naming nakahiga si Ion sa sofa habang nakaupo sa mga hita niya si Vice, parang nang-iinggit ang dalawa at sinasabing sariling-sarili lang nila ang mundo.
At inunahan na rin ni Vice ang kanyang mga bashers sa caption niya sa isang IG photo nila ni Ion habang nakaupo sa ilalim ng umbrella at may iniinom. Caption ni Vice, “Let this love bother those who hate.” O, taray, ‘di ba?! Bahala raw mainis ang mga bashers nila basta happy sila!
Marami namang inggit na inggit kay Ion dahil napakasuwerteng nilalang daw nito sa pagkakaroon ng Vice Ganda. Imagine nga naman, Valentine date lang nila, sa Amanpulo pa kung saan dolyar ang rate per day per person!
So, kung three days nilang inari ni Ion ang mundo sa Amanpulo, malamang na umabot sa half a million pesos or mahigit pa ang naging gastos ni Vice! Well, kunsabagay, mabutas man ang bulsa ni Vice, walang halaga ‘yung sayang makikita ngayon sa mga ngiti niya. ‘Ika nga, ngiting tagumpay!





Comments