Biyuda, todo-alalang mapabayaan ang anak ‘pag nag-BF uli, gulung-gulo
- Roma Amor
- Feb 12, 2020
- 1 min read

Dear Roma, Ako si Jane, 34 years old at nagtatrabaho sa ad agency. Biyuda na ako at may isang anak. Maagang namatay ang aking asawa at mag-isa kong pinalalaki ang aking anak. Meron akong kaopisina na nangungulit sa akin, gayundin, palagi niya akong binibiro na aakyat ng ligaw sa akin at popormal daw sa bahay namin.
Hindi naman sa pagmamalaki, pero marami akong naging manliligaw nu’ng dalaga pa ako, kaya siguro sabi ng mga katrabaho ko ay parang dalaga pa rin ako hanggang ngayon. Aaminin ko na mahirap ang mag-isa sa buhay, kaya lang, sa tuwing nakikita ko ang aking anak, worried akong mapabayaan ko siya kapag nagkaroon na ako ng karelasyon. Ano ang aking gagawin? — Jane
Jane, Salamat sa iyong pagsulat. Hanga ako sa katatagan at lakas ng loob mo sa pagpapalaki sa iyong anak. Kahit bata ka pa, nakakaya mong suportahan nang mag-isa ang pangangailangan mo at ng anak mo. Maraming mga lalaki na dahil alam na biyuda na, liligaw-ligawan ka at susuyuin, pero minsan, hindi seryoso ang mga ganu’ng lalaki dahil ang gusto nila ay comfort lang at sasamantalahin nila ang kalungkutan mo.
Ang nararamdaman mong parang nag-iisa ka ay pagka-miss lamang sa iyong asawa at siyempre, ang isiping mapapalaki mo nang maayos ang iyong anak. Kapag ganito ang feeling mo, ibaling mo na lang ang iyong lungkot sa ibang bagay tulad ng bonding kasama ng anak o mga kaibigan mo.
Dalasan mo rin ang pagpasyal at kumain sa labas kasama ang ibang relatives. Gawin mong busy ang iyong sarili para hindi mo maalala ang iyong asawa at ilaan ang maraming oras sa iyong anak. Okey ba?





Comments