After kay Marlon, may bago na agad… Sigaw ng netizen: Pia, ang babaeng ayaw mabakante!
- Beth Gelena
- Feb 12, 2020
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @piawurtzbach
Namataan ang rumored sweethearts na sina Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey na nagliliwaliw sa New York.
Mismong ang former beauty queen-turned actress ang nag-post sa kanyang social media account ng masaya nilang “brunch”. May post pa siyang nasa ice cream house sila ni Jeremy.
Hindi na nga raw itinatago ng dalawa ang kanilang relasyon. Mahilig daw kasi sa guwapo si Pia kaya madaling ma-attract sa mga magagandang lalaki.
Sambit naman ng netizen: “Never naman sila nagtago. Low key lang sila. May hints lagi na magkasama sila sa kanilang accounts. Basta hindi itinatago si Pia, go for it.
“They’re trying to keep it private. Pero dahil nga everybody knows Pia ‘coz 2015 Miss Universe siya, kaya kahit ano’ng tago nila ay nakikita pa rin sila ng publiko.”
Hindi naman daw malalaman na sa ibang bansa pa nakikipag-date si Pia kung ‘di siya mismo ang nagpo-post sa kanyang IG account. Komento naman ng iba, “Ang babaeng ayaw mabakante.”
Kaaamin nga lang kasi halos ni Pia na break na sila ng car racer na si Marlon Stockinger, hayan at may new BF na pala siya. Aba, kung ikaw naman ay maganda at naging Miss Universe pa, eh, talagang hindi ka mababakante lalo pa at single naman.





Comments