Producers na 'di susunod, magbabayad… Kinumpirma ni Chair Liza: Working hours sa showbiz, hangg
- Ronalyn Seminiano
- Feb 11, 2020
- 2 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Na-interview namin sa naganap na FDCP’s 4th Film Ambassadors’ Night 2020 nu’ng Feb. 9 (Sunday) si Film Development Council of the Philippines Chairwoman Liza Diño at natanong namin sa mga plano nila ngayong taon.
Sey ng magandang si Chair Liza, “Marami. Marami tayong plans. PPP, meron pa, may international film labs, puro policies, then, working on intellectual property. Itong workers, aayusin natin. We’re meeting now. Next week, with a lot of… with networks para maayos ‘yung implementation nu’ng kakalabas lang na policy for the film workers.”
Natanong din namin si Ms. Liza tungkol sa ikinakasang working hours sa showbiz. Aniya, “Minimum of 8 hours to maximum of 16. So, ‘yun ‘yung magiging patakaran na ngayon.”
Dahil dito, may nagtanong din na press kung ano ang reaksiyon ng mga producers tungkol dito.
Sabi ni Chair Liza, “I have a meeting next week with ABS-CBN. And I’m hoping that it’s because they want to understand compliance and working towards a transitionary measure para ma-meet nila ‘yung guidelines na ‘yun.
“Siyempre, may fear din ‘yung ibang producers pero generally, parang gusto lang nilang maintindihan kung paano sila makakarating du’n sa… masunod ‘yung patakaran. Siyempre, parang ang sinasabi nila, ‘Naku, Chair, baka tumaas ‘yung cost ng ano…’, ‘Baka sobrang tumaas ‘yung cost ng produksiyon.’ But siguro, ‘andu’n tayo ngayon sa… let’s try to understand how we can muna elevate the conditions of our workers.”
Nilinaw din ni Chair Liza na ilang beses na ring nagkaroon ng consultation ang mga producers at ang Department of Labor and Employment (DOLE) tungkol sa mga bagong guidelines na ikinakasa ngayon sa mundo ng showbiz.
Wala raw choice ang mga producers kundi sundin ang guidelines at kung sinuman ang hindi sumunod, aniya, “Magbabayad po sila. Maraming penalties na involved in terms of the violation.”
Well, maganda ang guidelines na ito para na rin sa kapakanan ng mga manggagawa sa showbiz.





Comments