top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

nCoV, may lunas, unang kumpirmado sa Pilipinas, gumaling

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 11, 2020
1 min read

Sa patuloy na paglaban sa bantang pagkalat ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV ARD), ibinalita ng Department of Health (DOH) na nakalabas na ng ospital ang unang kumpirmadong kaso ng nCoV sa ating bansa.

Kamakalawa nang inilabas na ng ospital ang pasyente matapos na dalawang beses magnegatibo sa isinagawang pagsusuri.

Kaugnay nito, 48 persons under investigation (PUI) na rin ang nakalabas ng ospital bagama’t, patuloy pa ring tinututukan.

Nangangahulugan ito na bukod sa puwedeng maiwasan ay kaya ring labanan ang nCoV.

At nagpapasalamat tayo sa mga doktor, nurse, iba pang health workers at lahat ng naglilingkod at nagsasakripisyo para mapigilan ang pagkalat ng nCoV.

Samantala, tiniyak naman ng gobyerno na walang babayaran kahit na isang sentimo ang sinumang sasailalim sa 14 araw na quarantine kaugnay pa rin ng nCoV, bagama’t, dapat lang umanong tiyakin na sa mga pampublikong ospital magpapagamot — sagot na ng pamahalaan ang mga test, confinement, gamot at iba pang hospital-related expenses ng pasyente.

Sa pagtutulungan ng bawat isa, nababawasan ang mga alalahanin. Lumalakas ang pag-asa na matatapos din ang problemang ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page