Nanaginip ng number 1,000, sign na dapat sumabay sa agos ng panahon para hindi mapag-iwanan
- Socrates Magnus
- Feb 11, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Ronna ng Ronna_Amocse@facebook.com
Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip na number 1,000?
Naghihintay, Ronna
Sa iyo Ronna, Ang 1,000 ay para sa millennium, as in, millennial. Kapag naman ang taon ay sampung taon, ang tawag ay decade at kapag 100 years, ang tawag ay century.
Ipinaaalala sa iyo ng panaginip mo na ikaw ay kabilang sa millennial kaya mas magandang isabuhay mo ang pagiging millennial. Ipinapayo rin na kalimutan mo na ang mga makalumang tradisyon at sinaunang sistema ng buhay ng tao. Bago na ang panahon at ang hindi sumasabay sa agos ng panahon ay mapag-iiwanan.
Kapag ang tao ay napag-iwanan, ibig sabihin, wala na siyang pag-unlad o malabong umasenso pa ang kanyang buhay. Halimbawa, ang napag-iiwanan sa karera ng buhay ay sinasabing “kakain ng alikabok”, as in, siya ay nasa hulihan, kumbaga, mabilis na sumusulong ang nasa unahan at siya na nasa hulihan ay kakain ng alikabok.
Huwag mong hayaan na kumain ka ng alikabok. Tandaan mo, itali mo sa iyong daliri, gawin mong kuwintas at itanim mo sa iyong isipan na ikaw ay millennial, kaya may karapatan kang mabuhay nang masaya, malaya at hindi alipin ng makalumang paniniwala.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo




Comments