Mandaluyong Liberation Day Racefest sa MMTCI

Nakatakdang humataw ang Mandaluyong Liberation Day Racing Festival sa Pebrero 16 araw ng Linggo sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Tampok ang Menchie A. Abalos Road to Triple crown trophy race at District 1 and 2 Councilor trophy race. Anim na mananakbo ang kalahok sa nakatakdang laban sa Menchie A. Abalos Road to Triple Crown trophy race na may guaranteed prize na P750,000. Hahatiin sa apat na unang makatatawid sa finish line.
Maglalaban sa naturang karera ang mga kalahok na Heneral Kalentong, Lucky Savings, Maysilo, Parokya ni Paolo, Radio Gaga at Westpointer.
Susunod na kalahok ang 1st District Councilor Sprint trophy race na may guaranteed prized na P300,000, para sa 1,000 meters. Maglalaban sa Sprint trophy race ang Certain to Win, Hidden Light, Mini Model, National Pride, Pinagtipunan, Señor Lucas, Son Also Rises at Yalla. Kasabay na aalagwa ang 2nd District Councilor trophy race bukas sa lahat ng non-winner at non-placer na 3-year-old.
May guaranteed prize na P300,000 na hahatiin sa apat na unang makatatawid sa finish line. Maglalaban-laban ang mga kalahok na Adobo Country, Cambari Island, Correct Ka Diyan, Francesca Fire, Peace of Mind, Space Jam at Tumalog Falls na tatahak sa 1,400 meters. May guaranteed prize na P300,000, sa unang apat na unang makatatawid sa finish line.





Comments