Badminton Asia C’ships: China at Hong Kong women’s, atras
- A. Servinio
- Feb 11, 2020
- 2 min read

Magbubukas ngayong araw ang 2020 Badminton Asia Manila Team Championships sa Rizal Memorial Coliseum simula 10:00 ng umaga.
Bagama’t may banta ng 2019 Novel Corona Virus, tuloy pa rin ang laban at nangako ang Badminton Asia at Philippine Badminton Association na magkakaroon ng karagdagang pag-iingat para sa kaligtasan ng lahat. Pero ang mga kababaihang players mula China at Hong Kong ay umatras sa paglahok.
Dahil dito, nagkaroon ng panibagong bunutan sa pulong ng mga team manager noong Lunes ng hapon.
“Handa na magpalabas ng mga pinakamahusay na manlalaro ng Badminton sa buong mundo sa harap ng mga Filipino,” wika ni PBA secretary general Christopher Quimpo. “Kasama rin dito ang ating pambansang koponan na nag-eensayo nang mabuti ng ilang buwan na.”
Ilan sa mga aabangan na World Top 20 ng lalaki ay sina Chou Tien Chen at Wang Tzu Wei ng Chinese-Taipei, Anthony Sinisuka Ginting, Jonatan Christie at Shesar Hiren Rustativo ng defending champion Indonesia, Kanta Tsuneyama at Kenta Nishimoto ng Japan , B. Sai Praneeth at Srikath Kidambi ng India at Kantaphon Wangcharoen ng Thailand.
Ang iba pang kalahok ay ang Pilipinas, Timog Korea, Singapore at Kazakhstan. Ang Pilipinas ay kakatawanin nina Ros Leonard Pedrosa, Lanz Ralf Zafra, Solomon Padiz at Arthur Samuel Salvado sa Men’s singles.
Ang mga pares nina Philip Joper Escueta at Alvin Morada at Paul John Pantig at Peter Gabriel Magnaye ang sa doubles.
Sa Women’s singles lalaro si Aira Mae Nicole Albo na sa mundo at mga unranked na sina Sarah Joy Barredo, Mikaela Joy de Guzman at Ma. Bianca Chanelle Carlos. Ang pambato sa doubles ay sina Thea Marie Pomar at Alyssa Yasbel Leonardo at Joella Geva de Vera at Chanelle Lunod.




Comments