top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Stella Malone, nanalo sa Condition Race Merged 10

  • Ding Taboy
  • Feb 10, 2020
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

Nagbukas para sa mga dehadista ang pagkakapanalo ng Stella Malone makaraang talunin ang outstanding favorite na Sepfourteen sa karerang naganap sa Condition Race Merged 10 sa Santa Ana Park, Naic, Cavite kahapon.

Sa umpisa ng laban agad kinuha ng Stella Malone ang unahan habang nakasunod ang Forest Cover at pangatlo naman ang liyamadong Sepfourteen.

Agad kinuha ang pangalawang puwesto ng Sepfourteen habang nauuna ang Stella Mallone. Tinangka ng liyamado na agawin ang unahan sa segunda liyamado na Stella Malone ngunit nabigo ito. Naorasan sa bilis na 1:17 sa distansiyang 1,300 meter ang Stella Malone habang dumating na tersera ang Messi.

Samantala, pinangunahan ng April Fifteen ang Race 2 habang dumating na pangalawa ang Missus Field at pangatlo ang Rico Mambo at dumating na pang-apat at panglima ang Only One.

Nagwagi naman ang segunda liyamado na Lets Dance Zumba matapos pangunahan ang Race 3. Kinuha ng Lets Dance Zumba habang dumating na pangalawa ang Seni Seviyorum sa karerang nabanggit. Naorasan ang Lets Dance Zumba ng 1:22.2 sa distansiyang 1,300 meters na pag-aari ni Junior de Ubago.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page