Sotto, pambato ng ‘Pinas sa BWB Global Camp sa U.S.

Malugod na ipinahayag ng National Basketball Association (NBA) at ang International Basketball Federation (FIBA) na kabilang ang pambato ng Pilipinas na si Kai Sotto sa top 64 boys and girls para sa 6th Annual Basketball Without Borders (BWB) Global Camp na gaganapin sa Chicago.
Lalarga ang nasabing Global Camp ngayong darating na Pebrero 14 hangang Pebrero 16 (Pebrero 15 at 17 sa Pilipinas) sa Quest Multisport bilang bahagi ng NBA All-Star 2020.
Ang 7’2 na si Sotto ay ang ikalawang Filipino player na naimbitahan sa BWB Global Camp kung saan una dito ay ang Filipino-Nigerian at ang kasalukuyang sophomore player ng University of Toledo na si AJ Edu na naging bahagi ng ikaapat na edisyon ng nasabing camp noong 2018 na ginanap sa Los Angeles.
Si Sotto ay kasalukuyang naglalaro sa The Skills Factory ng Atlanta at may alok na scholarship buhat sa University of Georgia.
Sa ipinalabas na bagong top 100 ranking ang ESPN ay nasa ika-68 si Sotto sa high school ng 2020 at ika-11 naman sa listahan ng mga center na manlalaro.
Mga premyadong manlalaro ng NBA at WNBA ang nakatakdang maging coach ng mga nasabing high school players para sa naturang event na ito. Ito ang ika-61 na pagtatanghal ng NBA at FIBA ng BWB camps sa 38 siyudad sa 30 bansa sa anim na kontinente.
Mahigit sa 310 na kasalukuyan at dating NBA, WNBA at FIBA players ang lumahok sa mahigit 240 NBA team personnel buhat sa 30 NBA teams upang suportahan ang BWB sa buong mundo.





Comments