Jones, nakalusot sa hamon ni Reyes

Nakaligtas si UFC Light-Heavyweight champion Jon “Bones” Jones sa matikas at matatag na challenger na si Dominick Reyes matapos itakas nito ang unanimous decision victory, Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Pilipinas) sa UFC 247 sa Toyota Center sa Houston, Texas sa US.
Nangapa nang husto ang 32-anyos na kampeon mula Rochester, New York dahil sa agresibong atake ng challenger na nagparamdam simula pa lang sa dalawang unang rounds. Kulang man sa karanasan ang 30-anyos na Californian ay hitik naman ito sa kumpiyansya na nabansagang “The Devastator.”
Maagang nagpakitang-gilas ang American southpaw na si Reyes nang diktahan nito ang dalawang rounds upang mapa-atras ang numero unong pound-for-pound champion ng mixed martial arts. Gayunman, dahil na rin sa mahabang karanasan sa MMA ay naipakita ni Jones ang tatag sa loob ng octagon ng paunti-unting paglusaw ng agresibong laro ni Reyes, dahilan upang makuha ni Jones ang kanyang ika-14 na panalo sa title bout at 25 panalo sa 27 laban kabilang ang 1 talo dahil sa disqualification at No Contest dahil naman sa ipinagbabawal na substance. Iginawad kay Jones ang unpopular victory na 48-47, 48-47 at 49-46 mula sa judges. “Dominick did a tremendous job. You have totally deserved my respect man,” wika ni Jones matapos ang laban. “I think the difference in the fight was takedowns. I couldn’t keep him down but at least I took him down. The exchanges were close with kickboxing but I believe my takedowns are what won it,” dagdag ni Jones.





Comments