Ibinulgar on air na may bad breath si Melai… Karla, super-yabang, grabeng manlait, 'di naman kaw
- Erlinda Rapadas
- Feb 10, 2020
- 1 min read

Sunud-sunod na ang banat-pamumuna ngayon kay Karla Estrada ng ilang entertainment writers. Sumosobra na raw kasi kung manlait ang ermat ni Daniel Padilla sa co-host niya sa Magandang Buhay na si Melai Cantiveros. Sukat ba namang sabihin pa on-air na may bad breath daw si Melai?
Matagal na rin daw niyang inilalaglag si Melai at minsan pa, nababato ng props na unan kapag humihirit at gumaganti sa kanyang mga patutsada.
Napapanood ng marami ang Magandang Buhay at hindi nagugustuhan ng iba ang madalas na pambabara niya sa komedyana na mabuti na lang at hindi napipikon sa kanya.
Si Melai lang naman daw ang kaya ni Karla at hindi niya ito magawa sa isa pang co-host nilang si Jolina Magdangal. Hindi niya basta malait si Jolens dahil tiyak na bubuweltahan siya ng mga fans at masasabihang “Who do you think you are?”
Anyway, dapat siguro ay ma-realize ni Karla na hindi lang siya ang poste at nagdadala ng Magandang Buhay. May ambag din dito sina Melai at Jolens. In fact, kahit na matagal siyang nagbakasyon at nawala sa morning show, hindi naman lumaylay ang rating nito at hindi rin naramdaman ang pagkawala niya dahil nakayang dalhin nina Melai at Jolens.
Pero tiyak, kapag si Melai ang nawala, marami ang makakapansin dahil walang buhay ang show kapag wala si Melai na nagpo-provide ng comedy.





Comments