top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Feeling walang halaga sa BF, problemado

Roma Amor
Feb 10, 2020
1 min read

Dear Roma, Ako si Raj, 25-anyos, hindi ko maunawaan kung mahalaga pa ba ako sa boyfriend ko dahil ‘yung mga mahahalagang araw namin ay parang wala lang sa kanya. Nakalulungkot lang isipin na kapag importante sa kanya ay pinahahalagahan ko bilang pagsuporta sa kanya, pero bakit pagdating sa akin ay ganu’n siya? Sana ay mapayuhan n’yo ako tungkol dito. —Raj

Raj, Mas makabubuti na mag-usap muna kayo ng boyfriend mo dahil baka may pinagdaraanan lamang siya at hindi niya masabi sa iyo kaya iba ang pagkakaunawa mo. ‘Wag ka agad mag-isip ng kung anu-ano dahil isa ‘yan sa makasisira ng inyong relasyon. Konting pang-unawa lang at siguradong magkakaintindihan din kayo. God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page