PhilHealth, sagot ang mga miyembrong biktima ng nCoV
- Thea Janica Teh
- Feb 9, 2020
- 1 min read

Bulgarific
Hello, Bulgarians! Kamakailan lamang ay nagkaroon ng groundbreaking ceremony ang Probinsiyamart Postharvest Facility, turnover ng NVKROPS.COM at awarding ng Transport Packaging Materials for fruits and vegetables.

Kasama sa pagdiriwang na ito sina DOST Usec Brenda Nazareth-Manzano; DOST RD2 Engr. Sancho Mabborang; Hon. Governor Carlos M. Padilla ng Nueva Viscaya; Engr. Judy H. Ascalon ng Air 21; Dr. Andres Taguiam NVSU President; Atty. Voltaire B. Garcia, NVAT President at Mr. Edgardo Cayton, Pres. and CEO of DOST.
****
Inaprubahan ng PhilHealth Board of Directors ang benepisyo para sa mga pasyenteng miyembro ng PhilHealth na kailangang sumailalim sa isolation at quarantine dahil sa posibleng impeksiyon sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV ARD) sa mga pasilidad-pangkalusugan batay sa payo ng mga dalubhasang doktor.

Sa kasalukuyan, ang gamutan sa 2019 nCoV ay binabayaran ng PhilHealth sa pamamagitan ng case rates. Sa mga malubhang kaso kung saan ang impeksiyon ay humahantong sa moderate o high-risk pneumonia, ang mga ito ay pawang binabayaran din ng ahensiya.
Upang mapigilan ang pagkalat ng 2019 nCoV, sinusuportahan ng PhilHealth ang panawagan ng Department of Health (DOH) sa publiko na maging malinis, magkaroon ng tamang personal hygiene kasama na ang palagiang paghuhugas ng mga kamay at hangga’t maaari ay ang pag-iwas sa mga matataong lugar.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments