top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Belo, umatras din sa Gilas; Sunod kina Aguilar at Chris

  • VA
  • Feb 9, 2020
  • 1 min read

Photo: Espn5

Dalawampu’t isa na lamang ang natitira sa Gilas Pilipinas pool na naghahanda para sa unang window ng FIBA World Cup Asian qualifiers ngayong Pebrero.

Ito’y matapos na mag-pull-out ang isa pang manlalaro sa pool dahil din sa injury.

Ang ikatlong manlalaro na nagpaalam na hindi makakasamang mag-ensayo ng national pool ay ang Blackwater forward na si Mac Belo dahil sa iniinda nitong injury sa kanyang tuhod.

Kinumpirma naman ito ni Gilas Team manager Gabby Cui sa pamamagitan ng text message na ipinadala nito sa Spin.ph. “Belo is undergoing rehab on his knees and he’ll be out for two weeks,” ayon sa mensahe ni Cui.

Kasunod ng mga big men na sina Japeth Aguilar at Christian Standhardinger si Belo ang ikatlong manlalarong nag-pull out sa national pool.

Sa pagkawala ng tatlo kasunod ni Junemar Fajardo na sinadyang hindi isama muna sa pool upang bigyan ng pagkakataong makapagpahinga tanging sina Marc Pingris, Troy Rosario, JP Erram, at mga cadets na sina Isaac Go at Justine Baltazar ang nalabi para pagpilian ni coach Mark Dickel para ilagay sa frontline ng bubuuin nitong final roster.

Nakatakdang sumalang ang Gilas sa unang window ng qualifiers sa Pebrero 20 kontra Thailand at sa Pebrero 23 kontra Indonesia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page